Huwebes, Setyembre 22, 2016

Eat Bulaga

              Ang Eat Bulaga ay malaking pagpapala sa maraming tao sa alin mang sulok ng bansa. Hindi natin maitatanggi o maikakaila na ang palabas na ito ay marami ng natulungan, napasaya at nabigyan ng pag - asa sa buhay. Napapatunayan ng palabas na ito ay ang kanilang pagtulong ay hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Kaya hindi maikakaila na kung bakit sobrang tagal na ng Eat Bulaga dahil ito sa kanilang gawang mabubuti. Lalong lalo na ang Juan For All, For One dahil dito ang bawat taong kanilang natutulungan ay kanilang nabibigyan ng pag - asa at saya. Para sa akin maituturi kong legends show ang Eat Bulaga. 
            Ang kanilang wikang ginagamit ay Filipino at Ingles dahill kung mapapanood natin ay ang salitang kanilang ginagamit ay tagalog sa kanilang pakikipagtalastasan. Ang kanilang antas ng wikang ginagamit ay balbal dahil sa kanilang pagpapatawa ay may nababanggit silang linggwahe ng bakla.

One Piece

            Maraming mga kabataan ang alam ang istorya na ito dahil din sa sobrang ganda at nakakabilib na mga tauhan sa istoryang ito, Maraming nakakaalam nito dahil mula pa lamang naman ng taong 1999 hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatapos ang istorya na ito kaya hindi naman talaga nakakapagtaka na dahil tumagal ito ay hindi pa rin nagsasawa ang mga manonood na panoorin ito. Ang pagiging determinado sa isang bagay natutunan ko dito dahil sa istorya na ito ang nagngangalang Luffy ay diterminado at positibo sa buhay ay hindi sumusuko upang maging King of the Pirates, kahit maraming pagsubok pa ang dumaan kaya ganon din sa buhay natin na wag tayong susuko.
             Ang wikang ginamit dito ay Japanese at Ingles sa napanood kong istorya dahil ito ay likha sa bansang Japan at may subtitle na Ingles . Ang antas naman ng wikang ginamit dito ay balbal at pambansa dahil may mga salitang kakaiba tulad ng kanilang mga pangalan tulad ng Cat Bulgar Nami at iba pa. Pambansa dahil silay ag mga pirata.

Sword Art Online

          Isa ito sa mga kinagigiliwan kong anime dahil ang istorya na ito ay nakakamangha at nakakabilib. Hindi man makatotohanan ay may mga matututunan pa rin namang aral. Tulad ng sa istoryang ito ay hindi sila makalabas sa isang laro dahil sobrang bigat ng kanilang problema ay meron pa ring nakakabilib na tauhan dito yun ay si Kirito hindi siya sumuko at tinanggap niya ang hamon na tapusin ang laro upang sila ay makalabas at makligtas. Tulad sa buhay natural lamang na magkaroon ng problema pero kung dumating man ang matinding problema na ito sa buhay natin ay huwag tayong panghinaan ng loob at huwag sumuko. 
          Ang wikang ginamit sa istorya na ito ay Japanese at Ingles dahil ang likhang istoryang ito ay galing sa bansang Japan at nilagyan lamang ito sa subtitle na Ingles sa istorya. Ang antas ng wikang ginamit dito ay pampanitikan dahil kung mapapanood niyo ito ay may mga malalalim na salita sa istorya.